(ikaw ang mag-isip ng magandang titulo)
Posted byHmmm.... Matagal-tagal na din simula ng muling buksan ko at galawin ang blog na ito, pero siguro wala akong matakbuhan sa mga oras na ito. Alam kong hindi ko dapat ipagbulaslasan sa mundo kung ano ang nasa loob ko, pero may mga pagkakataon na gusto mong huminga, gusto mong ilabas kung ano man ang meron sa dibdib mo, at kung ano man ang gusto mong iparating sa mga taong alam mong makakaintindi sa'yo.
Akala ko, ako lang ang mapag-mahal sa sarili, pero yun pala, may "mas" pa sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mkikipag-usap, hindi ko alam kung paano ako makikibagay, hindi ko alam kung paano ako makikipag-sabayan.
At eto na naman ako, humihingi ng paumanhin sa walang kakwenta-kwenta at nakakaubos oras n post. Sense? Hindi ko alam kung meron, opinyon mo yan ikaw ang bahalang humusga.
Paano nga ba makikibagay sa taong "egotistical" at "ego-centric?"
Nalilito ako, naguguluhan. Kung ikaw sa sarili mo na pinipilit mong magbago para sa ikauunlad ng sarili mo, binabati kita, at dun sa hindi, bakit hindi mo subukan muna?
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito pala ito kalala, we learn from our experiences, you learn to be naive to avoid or conceal your emotional side in which it is vulnerable.
Kaya yung sinasabi nila na bilib ako sa'yo dahil matatag ka, para gusto ko 'tong pabulaanan minsan. May mga taong nakakagawa daw ng ganitong bagay para hindi makitaan ng kahinaan, totoo siguro. Mga nagtitigas-tigasan hanggang sa mawala na ang pag-iisip sa kapakanan ng iba, hanggang puro sarili na lang ang nakikita.
Mahirap makasamaan ng loob ang mga taong ganito, kahit manik-luhod ka na sa kanilang harapan ay baliwala ang mga ginagawa mong paraan para magka-ayos kayo. Hindi niya ito makikita hangga't nararamdaman niya na may nasagi kang mala-nana na ego.
May mga pagkakataon na sarado din ang kanilang pag-iisip, may mga pagkakataon na hindi nilang nararamdaman ang presensya na animo ikaw ay isang aparisyon, bula, kabute o utot. Utot dahil unang-una nakakainis ito dahil sa amoy, culture-wise kabastusan, at huli, dahil isa kang sama ng loob.
Hindi mo rin pang-habang buhay na ikokonsinte ang ganitong pag-uugali, sa tingin ko, may pagkakataon pa silang magbago, yun nga lang wag naman sana manggaling sa bad experiences, sana sa good experiences, para naman maramdaman nila na hindi lang sila ang may mala-feather-like na kalooban, ikaw rin sa sarili mo.
Napupuno din ang salop, ang kapag umapaw ito, minsan, hindi mo na rin alam kung ano ang tama sa mali.

1 comments:
that's true tol, minsan nga daig mo pa ang humahalik sa lupa para lang i-please and gusto ng taong yun, but in the end, you will find yourself na mukha ka na palang tanga dahil sa mga pinag gagagawa mo... minsan din hindi mo na alam kung saan ka lulugar kapag ganitong tao nag nakasalamuha mo,ang tendency kasi hindi mo alma nag ikikilos mo, hindi mo alm kung tama ba o mali sa kanya yun, kaya dude, naiintindihan kita! nakakarelate ako sa post mo!
Post a Comment