Bukang Liwayway

Posted by Leo Matienzo


“Gaano man naging pangit ang iyong kahapon, bukas, matatanaw mo rin ang katapusan ng lahat ngayon.”

Nagising ako ng alas-kwatro y media ng umaga, at bumantad sa aking mga mata ang pagsikat ng araw, kinuha ko agad ang camera upang makahabol sa pagangat ng haring araw mula sa likod ng kabundukan.

Masarap at sumisiksik pa sa ilalim ng aking damit ang lamig na dulot hamog sa parang.

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ang paghihintay ng pagbubukas ng umaga, tatanggapin mo ito at babaunin sa maghapon.

Ang pag gising sa umaga ay para ring isang pag-gawa ng desisyon mo sa buhay. Kung babangon ka ba ng maaga dahil maraming kang gagawin sa opisina o eskwelahan, o gigising ka na lamag ng medyo tanghali dahil naalalang day-off mo pala ngayon. Idagdag ko pa yung tipong kung kakalimutan mo na lang ang mga nangyari kahapon dahil nabasted ka ng nililigawan mo, bumagsak ka sa exam, napahiya sa crush mo, natanggal ka sa trabaho, iniwan ka ng mahal mo para sa kapakanan ng lahat dahil hindi maaaring maging “KAYO” dahil may asawa ka na at may anak pa o yung tipong walang nangyari sa buhay mo at gustong-gusto mong bumawi ngayon para may magawa ka. Kung di n’yo naitatanong, nalaman ko ito sa paborito kong Author na si Bob Ong, sabi sa isang libro, magiging basehan din para sa destinasyon mo kung sa langit man o sa impyerno kung may nagawa ka ba sa lupa. Ipagpalagay natin na wala ka ngang nagawang masama, ang tanong eh may nagawa ka bang kabutihan habang ika’y nasa lupa?

Balik sa pag-gawa ng desisyon, sinisimulan natin ang pag-iisip ng mga paraan upang maitama natin ang mga pagkakamali natin ngayon para bukas. Kalimitan, lumalabas tayo ng opisina at eskwelahan ng mga bandang dapit-hapon. May matatanaw ka mula sa kabilang kalsada na mga kapwa mo estudyante, may masaya, may naiyak, may kinikilig dahil kasama ang crush man o mahal n’ya, may naninigarilyo, may tipong kagagaling lang sa mga paboritong puntahang tambayan na nagsisilbi ng alak sa mga estudyante kahit bawal, o yung tipong pagkalabas mo ng opisina ay sasambulat sa’yo ang pila ng mga gustong sumakay ng jeep para abot kaya at yung pasosyal na gustong mag-taxi kahit wala ng pera, meron ka ring makikitang na magkaospisina na gigimik dahil maaga pa naman.

Habang nasa byahe papunta sa mga kanya-kanyang paroroonan, nag-iisip tayo kung ano ang maaring gawin pagdating dun, yung tipong gagawa ka ng palusot sa mga magulang mo dahil bumagsak ka sa exam at confiscated ang cellphone mo at naniniwala ka sa kasabihang “it’s better to cheat than to repeat”, o yung nagiisip ka kung kailan ka sasagutin ng dalawang taon mo ng nililigawang babae, kung kailan ka mapapansin ng crush mo kahit man lang ang tigyawat mo sa ilong, kung paano ka makakamove-on dahil iniwan ka nga ng mahal mo dahil para daw ito sa kapakanan ng lahat kahit alam n’yang may asawa ka na at may anak ka pa, kung may table for two sa pupuntahan n’yong resto, kung magiging masaya kayong magkakatrabaho sa pupuntahan n’yong club, kung may masasakyan ka pa pauwi kung tutuloy ka sa gimik mo, at yung iba pang posibleng mangyari na hindi ko mabanggit sa sobrang dami, o yung tipong trip mo lang talagang mag-isip, tipong lumulutang sa kawalan na wala naman pupuntahan.

Natapos na ang gimik, nakaisip ka na ng palusot mo sa mga mga magulang mo, sinagot ka na ng babaeng dalawang taon mong niligawan na may kondisyong relasyon n’yo ay parang My Sassy Girl na orinigal version ang set-up, napansin ka na rin ng crush mo dahil sa ngipin mong nasingitan ng chocolate at todo ngiti ka pa, may nag-payo sa’yo sa problema mo at ngayo’y alam mo na kung papaano ka magmomove sa buhay mo, may bakante sa resto na pinuntahan n’yo kaso reserved na daw kaya pinili n’ya yung tipikal na pinupuntahan ng mga nagdedate, kahit jahe para sa’yo naappreciate n’ya ito dahil “What a wonderfull experience!” ayon sa kanya, nagka-inuman kayo sa club na pinuntahan n’yo ng mga kasama mo, naging masaya dahil proposal party pala yun at libre ng kasama mo ang lahat ng gastos, hindi ka na nag-aalala sa daan pauwi dahil may nangakong ihahatid ka ng kasama mong lasing, ngunit ingat lang lahat sa daan pauwi dahil baka makatapak ng street cake in uncensored language “TAE!”

Nasa bahay ka na, naging maayos ang pag-uusap n’yo ng parents mo, napatawad ka pero may mga kondisyones ang mga magulang mo, sinampiga ka ng bago mong girl friend bilang good night kiss sa’yo bago ka umuwi, ang sweet noh?, napahiya ka sa nangyari dahil sa lahat ng pagkakataon eh ngipin mo pa ang magpapahamak sa’yo pero ok na rin para sa’yo dahil napansin ka pa rin n’ya, so it’s worth it, napangiti ka dahil sumalubong sa’yo ang anak at asawa mo sa pintuan pa laman at alam mo ang gagawin mo at yun ang tama dahil kaylangan mong mahalin ang pamilya mo para sa kapakanan ng lahat, masaya ka dahil kahit awkward ang ngyari eh naappreciate ito ng mahal mo, masaya ka dahil hindi naghihingalong wallet ang nasasaiyo ngayon, ngunit naiinggit ka dahil kailan ka kaya makakapapropose sa taong gusto mo ng pakasalan, muntik kayon maaksident dahil may tumawid sa kalsada na aso, gusto yatang maging pulutan ng mga taga kanto, pero nakauwi ka pa rin, pero ang masaklap at pinaka-awkward na ngyari sa buhay mo eh nakatapak ka ng “TAE” dahil hindi mo ito nakita sa daan dahil madilim ang daan.

Natapos ang maghapon, matutulog ka na, naubos mo na ang oras para sa pag-iisip ng tama, bukas makakalimutan mo ang mga pagkakamaling nagawa mo sa maghapon at bukas may pagkakataon kang mag-bagong buhay para sa ikabubuti ng lahat at ikabubuti ng kaluluwa mo kung tanungin ka man ng mga nasa taas kung ano ang nagawa mong kabutihan sa lupa noong nabubuhay ka pa…

“Kung nakalimutan man ako ng kahapon ko, magagawa ko rin itong kalimutan”

3 comments:

  1. Anonymous

    kua?
    bakit ung pictures mu puro nakatalikod?
    hahaha!

  1. Anonymous

    auz toh tol..,post q din sa profile q..,

  1. Anonymous

    hindi kasi ako photogenic kaya likod na lang

Post a Comment