Tulungan nyo po kami...
Posted by
Hanggang ngayon dama pa rin ang lagim na hinasik na dulot ng Bagyong Ondoy sa aming mumunting unbersidad sa Siniloan (sakop ng Baybay Area ng Laguna).
Yung ibang estudyante namin natutuwa dahil ginawang pasyalan ang eskwelahan. Ginawang water world, pwede kang mag-tour sa loob.
Yung iba nadidiri sa baha... natural sino ba naman ang gustong magkaroon ng skin diseases at leptospirosis, wala!
Tatlong buwan na maghihintay ang mga estudyante at guro para humupa ang tubig baha. Sa loob ng panahon na iyon, tiyak maraming magkakasakit, much worse, meron pang lumitaw na kaso ng dengue sa lugar namin.
Ang hiling nalang ng ilan eh maghanap ng ilang malilipatang lugar na kahit di ganung angkop eh atleast makapag-aral ng maayos ang ilan naming estudyante.
Ang kaunting tulong upang maisaayos ang aming sistema ang lubos po naming ikalulugod. Sana mapansin ang kalunos-lunos na sitwasyon ng aming mga mag-aarala ng mga Univeristy Officials.
Hindi pa naman huli ang lahat gumawa ng nararapat na aksyon.

0 comments:
Post a Comment