Hating-Gabi

Posted by Leo Matienzo

Naranasan mo na ba yung tipong tagpo na inabot ka ng syam-syam sa pag-iisip na wala naman patutunguhan?

Inabot ka ng halos magdamag, pero, yun, walang nangyari, pero ok na rin dahil ito ang naging dahilan para antukin ka.

Nakahiga ka na at patuloy pa rin sa pag-iisip hanggang sa napunta ka sa dimensyon ng kahapon, nakita mo ang taong mahal mo (noon ha).


Kausap ka n'ya, nasa balikat mo ang kanyang mga kamay, nakikita mo ang kanyang mga ngiti, ang kanyang nakakasilaw na ngipin (may ganon ba dapat?) at malambot na labi, naalala mo na ang tagpong yun, magkasayaw kayo... at kitang kita ng mga mata mo ang tingin n'ya na nakakapanlambot, ang tingin na muntik mo ng hindi makalimutan, ang tingin na nakapagparupok sa'yo at tuluyan kang inimbita sa isang lugar na para bang nasa langit ka na (pero hindi ka pa patay ha). Nakalimot ka sa mga nangyayari sa paligid mo, parang tumigil ang oras, parang napahinto ang ikot ng mundo mo (pero hindi tipong hayok na hayok na sa droga ha, mga adik yun).

Ang kadiliman ng sayawan at biglang napalitan ng liwanag, napunta kayo sa isang lugar at sa natatandaan mo ay "KAYO" na pala ng mahal mo (noon). Masaya kayong magkasama, nagkakatext kayo, magkatawagan pa kayo 'pag gabi, at sa solong solo nyo ang planetang earth na parang kayo na lang ang natitirang earthlings sa kalawakan.

"Ang Cheesy n'yo!" nung bago pa lang ang relasyon n'yo, pero hindi nagtagal ang set-up n'yo, unti-unti kayong nalulusaw na kandila, at yung mga tipong "it's not working"...

Maraming naging hadlang sa relasyon n'yo, unang-una na yung patago pang relasyon, dahil naalala mo na nakatali ka na pala, may asawa ka na, pangalawa studies, pangatlo ang sasabihin ng ibang tao sa inyong dalawa (mga haliparot! hahaha!)...

Malamang ay naiyak ka dahil mahal mo yung tao, at hindi mo matanggap na mawawala s'ya sa piling mo, parang hindi mo makakaya na bukas wala na ang taong ito sa buhay mo at lahat na ng methaporic na maari mong ilarawan sa sitwasyon mo.

Bigla ka naman napunta sa dimensyong pinakaaayaw ng mga nakararami, ang "break-up".

HINDI mo matanggap, tumutulo na ang luha mo na parang gripo, hindi mo mapigilan ang boses ng pagluha, nagmamakaawa ka na huwag na n'yang ituloy pero itinuloy n'ya pa rin...

Nagdilim na naman ang paligid, napapunta ka sa ibang dimensyon, dimensyon ng ikaw ay nag-iisa...
Medyo awa ka sa sarili mo, nakikita mo ang sarili mong umiiyak, parating lango sa alak, hayok na hayok sa sigarilyo, in short, Adik este "Stucked", hindi makamove-on. Yung tipong gusto mo pa ring tumuloy sa relasyon n'yo pero wala na talaga na kulang na lang mag-makaawa kana bumalik s'ya sa piling mo...

Napunta ka naman sa ibang dimensyon, pero nakita mo pa rin ang sarili mo, lango pa rin sa alak, sa yosi, naiyak pa rin, hindi maaalis sa mukha mo ang pag-kaawa dahil ganun pala ang nangyari sa'yo. Pero ang hinihiling mo ngayon ay tantanan ka na ng mga ala-ala dahil pagod ka na sa kakaisip. Pilit mong tinatanggap pero ayaw pa rin, nasasabi mo lang na hindi mo na siya mahal pero ang katotohanan ay mahal mo pa rin...

Biglang nagliwanag ang paligid (alam kong sawa ka na sa dimensyon kaya iniba ko na lang), napalitan ang mukha mo ng... walang ekspresyon, yung tipong parang naglalakad ka lang. Nakita mo ang sarili mo, masaya na, natanggap na ang mga pangyayari, hindi mo na kinukutingting ang cellphone mo para mag-text o tumawag sa kahapon.

Natandaan mo isang beses nakipagkumpitensya ka sa kaluluwa mo at kunsensya mo kung tatawan ka to make contact with the girl, nanaig si kaluluwa, natalo si kunsensya... Tinawagan mo at nasambit mo ng pahapyaw na medyo ok ka na, syempre, parang nainsulto ang babae, todo hingi ka naman ng sorry. Umubra naman at tinanggap ang paliwanag mo... Sa kaduluhan ng pag-uusap, nasambit n'ya na may kapalit ka na sa puso n'ya at sinabi mo na lang na "So pano, hanggang dito na lang ako, I'm Now Signing OFF!", dahil karma ang tumama sa'yo, sinasabi na ng kunsensya mo na 'wag na pero itinuloy mo pa rin, ayan... may napala? meron... nasaktan ka! Ulol kasi eh! Sa huli ikaw pa ang nainsulto dahil madali ka palang palitan... hahaha! LOSER!

Bigla ka na lang nagising ng hating-gabi, akala mo nag-iisip ka lang pero nakatulog ka pala, hindi ka makapaniwala na ganon ang panaginip mo, na nakagawa ka ng pagkakamali na makakasira sa pamilya mo at buhay ng ibang tao... pero panaginip lang ang lahat at walang katotohanan. Todo ang iyong pasasalamat dahil panaginip lang pala lahat ng nangyari sa'yo...

Kumuha ka ng tubig na inilagay mo sa baso, dagliang ininom, huminga ng malalim, nagdasal na sana hindi mo na maranasang muli ang panaginip na ito, humiga ka at muling natulog.

Muli kang nanaginip at sa dulo ng panaginip mo may nakita kang board result ng bola ng lotteng, at ang numero ay :3/7,5/27,8/1...
Itaya mo, sabi ng matatanda swerte daw ang mga numero sa panaginip.

0 comments:

Post a Comment