Ticket
Posted byAng tunay na buhay hindi pala talagang fairy tale ang ending, dahil sa bawat katapusan ng isang kwento, may magsisimulang bago.
Naranasan mo na bang bumiyahe sa kung saan-saan? Yung tipong kailangan meron kang ticket para makarating sa paroroonan? Para san ba ang ticket? Ano ba ang silbi ng ticket?
Natatandaan ko pa noong kasag-sagan ng panahong ako ay aktibong nagbibigay partisipasyon sa mga kumpetisyon sa iba’t-ibang parte ng Luzon. Hindi ko iniyayabang at wala akong balak, Baguio pa lamang ang pinakamalayo kong narrating. Sa tuwing pupunta kami ng Baguio, kailangan munang magbayad ng ticket para makasakay ng bus, at hindi lamang ticket, kasama na rin ditto ay insurance kung saka-sakaling may mangyari sa iyong hindi maganda.
Sa puntong mga pangyayaring hindi maganda sa buhay, naiisip ko pa rin, kung may isang ticket kaya ako na kaya akong dalhin sa gusto kong puntahan, marating o maranasan, bakit and hindi ko gamitin? Di ba?
Napapagod din ang kahit na ano ditto sa lups, mapa-tao man yan, makina, hayop o halaman pa man. Maiisip mo rin, minsan na pagod ka na sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay mo. Parang ayaw mo nang bumangon sa umaga dahil iyon at iyon din ang mararanasan, gagawin at haharapin sa araw nay un. Imposible na hindi ka maumay, dahil walang taong kuntento sa natatamasa niya.
Madali ka bang sumuko sa mga pasaning ibinibigay sa’yo sa araw-araw? Mahirap din sagutin ang tanong. Tayong mga Pilipino ay matatapang at sinusuong lahat ng pagsubok, yun nga lang minsan, hindi natin talagang alam kung ano ang tinatahak natin sa buhay. Sa una, kahit mahirap, kinakaya, pero darating din sap unto na ayaw mo na, mahirap pala na sana, pinag-isipang mabuti ang mga posibilidad bago suungin ang landas na talagang tinatahak.
Kung meron lang talagang mahiwagang ticket, gagamitin ko para makatakas sa landas na pinili ko.
Sa mga karaniwang karanasan, ayaw natin talagang makatikim ng pait sa bawat hakbang ng buhay. Pero, gaya ng sabi ng ilan, hindi naman tayo tatatag kung walang pagsubok sa buhay. Mananatiling mangmang ang mga mangmang at walang sasaging pangarap sa mga walang pangarap.
Ang tao talaga, ayaw masaktan, sensitibo masyado, ayaw mapapakialaman pero nakikialam sa buhay ng iba, makatarungan ba?
Naisip ko noon, kung may ticket akong hawak para makapunta sa gusto kong marating, gagamitin ko. Yung ticket nay un ang maaaring magbago ng buhay ko o di kaya makapagtutuwid ng mga kamalian sa buhay ko.
Hanggang ngayon, iniisp ko pa rin kung paano ko pagbabayaran ang mga pagkakamali ko, kung may kapatawaran nga bas a mga kapalpakang ginawa ko sa loob ng dalawampu’t isang taon ng aking pananatili sa mundong ito.
Bigla mo na lang maiisip na hindi talaga dapat magpapadalus-dalos sa mga desisyon, na hindi tamang maghayag ng paninindigan kung hindi mo naman talaga kayang manindigan. Maniwala ka, magigising ka sa katotohanan kapag narrating mo ang kalagayang hindi mo talaga ginusto, pero wala kang karapatang magreklamo, kahit hindi mo ginusto ang sitwasyon pero pinili mo pa rin na ganun ang iyong desisyon ng walang pag-aalinlangan.
May pagkakataon na maiisip mo na hindi solusyon ang ganitong sagot. At maiisip mo rin na nagamit mo nap ala ang ticket na kanina ko pa binabanggit. Ang buhay ay parang daan na binabaybay natin sa araw-araw, at ang ticket and magpapasya kung saan tayo tutungo, desisyon yan ang ticket ng buhay natin.
Akala ko nga noon, ang pagpapakasal ang solusyon para maayos ko ang gusot na dumalaw sa akin, hindi pala, may mga pagkakataon na darating sa buhay na may mananawang makisama sa’yo, ituturing kang tuod at isang malaking pag-unlad ng sarili, masakit, totoo, pero wala akong magawa, hindi ako Diyos para magmanipula ng isipan ng tao. Kahit ikatwiran mo sa akin na sinusukuan ko agada, paano kung siya mismo ang sumuko at hindi ako, paano kung lahat ng paaran ay nagawa ko pa para makumbinsi ko na itigil na ang kaniyang kahibangan at mamuhay ng masaya, normal at payapa. Paano kung wala sa akin ang malaking pagkakamali na dumating sa buhay niya? Magkakaiba tayo, kaya sana wag mo akong husgahan, baka ikaw ay sumuko na rin minsan pero hindi mo lang natanggap.
Walang mahiwagan ticket, walang himala sa mundo, walang umuusad ng pauron. Kung meron mang ticket, sana nakabalik ako sa kahapon ko kung saan gumawa ako ng desisyon na maglalagay sa akin sa ganitong posisyon.
Kaya kung hindi mo pa nagagamit ang ticket mo para makapunta sa gusto mo talagang puntahan, mag-isip kang mabuti dahil one way ticket lang ang hawak mo, walang U-Turn, walang refund, tiis sa walang aircon at rough road, dahil sa tingin ko, mararating mo rin ang lugar na yun, wag ka lang masyadong mainip.
Ingat sa mahabang biyahe!

6 comments:
tama ka dyan dude,,,
kailanagna lahat ng bagay na dumadating sa buhay natin, dapat natin yun i treasure o pangalagaan..
ayon ako sa sinabi mo,,, one way ticket lang ang hawak ng tao,,, kaya kailangna pag-isipan mabuti ang mga dapat pag-isipan bago sumabak sa isang bagay na wala ng urunga..
sabi nga,, ang buhay ng isang tao ay parang paglalaro ng chess... isang maling paghakbang o tira,,, masisira na ang laro mo....
ako??? ganyan din ang iniisip at hinihiling ko,, na sana kayang ibalik ang panahon para itama ang mga pagkakamali,, at magawa ang mga bagay na hindi mo nagawa,,,
kaya lang hindi eh,,, kaya kailangan natin tanggapin na diyos lang ang may kakayahang gumawa ng lahat,, kailangan tanggapin nating mga tao na meron tayon limitasyon...
FULL OF HOPES AND DREAMS,,THERE'S STILL A REGRET PERO DIBA NGA HABANG BUHAY MAY PAG ASA,,LIKE THIS ONE PARE,,ONE WAY TICKET NGA LANG ANG KAILANGAN,,
who would have thought na may ticket ang buhay ng tao? this is a nice blog. maybe this will serve as a start for others. sulat pa ng may mabsa....sabi nga sa developmental reading!
@anonymous: salamat po sa positive comment
amazing story, iba talaga ang idea pag may pinag huhugutan, kapatid your a deep thinker... bravo!
love this :D
magulo po yung artikulo... sbi nila.. sumasalamin sa sumulat ang mga sinusulat nya... siguro isa kang magulong tao.. pasalamat at magulo din ako.. kaya.. nakuha naman... :D
sulat pa!
Post a Comment