(ikaw ang mag-isip ng magandang titulo)

Posted by Leo Matienzo

Hmmm.... Matagal-tagal na din simula ng muling buksan ko at galawin ang blog na ito, pero siguro wala akong matakbuhan sa mga oras na ito. Alam kong hindi ko dapat ipagbulaslasan sa mundo kung ano ang nasa loob ko, pero may mga pagkakataon na gusto mong huminga, gusto mong ilabas kung ano man ang meron sa dibdib mo, at kung ano man ang gusto mong iparating sa mga taong alam mong makakaintindi sa'yo.

Akala ko, ako lang ang mapag-mahal sa sarili, pero yun pala, may "mas" pa sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mkikipag-usap, hindi ko alam kung paano ako makikibagay, hindi ko alam kung paano ako makikipag-sabayan.

At eto na naman ako, humihingi ng paumanhin sa walang kakwenta-kwenta at nakakaubos oras n post. Sense? Hindi ko alam kung meron, opinyon mo yan ikaw ang bahalang humusga.

Paano nga ba makikibagay sa taong "egotistical" at "ego-centric?"

Nalilito ako, naguguluhan. Kung ikaw sa sarili mo na pinipilit mong magbago para sa ikauunlad ng sarili mo, binabati kita, at dun sa hindi, bakit hindi mo subukan muna?

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito pala ito kalala, we learn from our experiences, you learn to be naive to avoid or conceal your emotional side in which it is vulnerable.

Kaya yung sinasabi nila na bilib ako sa'yo dahil matatag ka, para gusto ko 'tong pabulaanan minsan. May mga taong nakakagawa daw ng ganitong bagay para hindi makitaan ng kahinaan, totoo siguro. Mga nagtitigas-tigasan hanggang sa mawala na ang pag-iisip sa kapakanan ng iba, hanggang puro sarili na lang ang nakikita. 

Mahirap makasamaan ng loob ang mga taong ganito, kahit manik-luhod ka na sa kanilang harapan ay baliwala ang mga ginagawa mong paraan para magka-ayos kayo. Hindi niya ito makikita hangga't nararamdaman niya na may nasagi kang mala-nana na ego.

May mga pagkakataon na sarado din ang kanilang pag-iisip, may mga pagkakataon na hindi nilang nararamdaman ang presensya na animo ikaw ay isang aparisyon, bula, kabute o utot. Utot dahil unang-una nakakainis ito dahil sa amoy, culture-wise kabastusan, at huli, dahil isa kang sama ng loob.

Hindi mo rin pang-habang buhay na ikokonsinte ang ganitong pag-uugali, sa tingin ko, may pagkakataon pa silang magbago, yun nga lang wag naman sana manggaling sa bad experiences, sana sa good experiences, para naman maramdaman nila na hindi lang sila ang may mala-feather-like na kalooban, ikaw rin sa sarili mo.

Napupuno din ang salop, ang kapag umapaw ito, minsan, hindi mo na rin alam kung ano ang tama sa mali.

Ticket

Posted by Leo Matienzo

Ang tunay na buhay hindi pala talagang fairy tale ang ending, dahil sa bawat katapusan ng isang kwento, may magsisimulang bago.

Naranasan mo na bang bumiyahe sa kung saan-saan? Yung tipong kailangan meron kang ticket para makarating sa paroroonan? Para san ba ang ticket? Ano ba ang silbi ng ticket?

Natatandaan ko pa noong kasag-sagan ng panahong ako ay aktibong nagbibigay partisipasyon sa mga kumpetisyon sa iba’t-ibang parte ng Luzon. Hindi ko iniyayabang at wala akong balak, Baguio pa lamang ang pinakamalayo kong narrating. Sa tuwing pupunta kami ng Baguio, kailangan munang magbayad ng ticket para makasakay ng bus, at hindi lamang ticket, kasama na rin ditto ay insurance kung saka-sakaling may mangyari sa iyong hindi maganda.

Sa puntong mga pangyayaring hindi maganda sa buhay, naiisip ko pa rin, kung may isang ticket kaya ako na kaya akong dalhin sa gusto kong puntahan, marating o maranasan, bakit and hindi ko gamitin? Di ba?

Napapagod din ang kahit na ano ditto sa lups, mapa-tao man yan, makina, hayop o halaman pa man. Maiisip mo rin, minsan na pagod ka na sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay mo. Parang ayaw mo nang bumangon sa umaga dahil iyon at iyon din ang mararanasan, gagawin at haharapin sa araw nay un. Imposible na hindi ka maumay, dahil walang taong kuntento sa natatamasa niya.

Madali ka bang sumuko sa mga pasaning ibinibigay sa’yo sa araw-araw? Mahirap din sagutin ang tanong. Tayong mga Pilipino ay matatapang at sinusuong lahat ng pagsubok, yun nga lang minsan, hindi natin talagang alam kung ano ang tinatahak natin sa buhay. Sa una, kahit mahirap, kinakaya, pero darating din sap unto na ayaw mo na, mahirap pala na sana, pinag-isipang mabuti ang mga posibilidad bago suungin ang landas na talagang tinatahak.

Kung meron lang talagang mahiwagang ticket, gagamitin ko para makatakas sa landas na pinili ko.

Sa mga karaniwang karanasan, ayaw natin talagang makatikim ng pait sa bawat hakbang ng buhay. Pero, gaya ng sabi ng ilan, hindi naman tayo tatatag kung walang pagsubok sa buhay. Mananatiling mangmang ang mga mangmang at walang sasaging pangarap sa mga walang pangarap.

Ang tao talaga, ayaw masaktan, sensitibo masyado, ayaw mapapakialaman pero nakikialam sa buhay ng iba, makatarungan ba?

Naisip ko noon, kung may ticket akong hawak para makapunta sa gusto kong marating, gagamitin ko. Yung ticket nay un ang maaaring magbago ng buhay ko o di kaya makapagtutuwid ng mga kamalian sa buhay ko.

Hanggang ngayon, iniisp ko pa rin kung paano ko pagbabayaran ang mga pagkakamali ko, kung may kapatawaran nga bas a mga kapalpakang ginawa ko sa loob ng dalawampu’t isang taon ng aking pananatili sa mundong ito.

Bigla mo na lang maiisip na hindi talaga dapat magpapadalus-dalos sa mga desisyon, na hindi tamang maghayag ng paninindigan kung hindi mo naman talaga kayang manindigan. Maniwala ka, magigising ka sa katotohanan kapag narrating mo ang kalagayang hindi mo talaga ginusto, pero wala kang karapatang magreklamo, kahit hindi mo ginusto ang sitwasyon pero pinili mo pa rin na ganun ang iyong desisyon ng walang pag-aalinlangan.
May pagkakataon na maiisip mo na hindi solusyon ang ganitong sagot. At maiisip mo rin na nagamit mo nap ala ang ticket na kanina ko pa binabanggit. Ang buhay ay parang daan na binabaybay natin sa araw-araw, at ang ticket and magpapasya kung saan tayo tutungo, desisyon yan ang ticket ng buhay natin.

Akala ko nga noon, ang pagpapakasal ang solusyon para maayos ko ang gusot na dumalaw sa akin, hindi pala, may mga pagkakataon na darating sa buhay na may mananawang makisama sa’yo, ituturing kang tuod at isang malaking pag-unlad ng sarili, masakit, totoo, pero wala akong magawa, hindi ako Diyos para magmanipula ng isipan ng tao. Kahit ikatwiran mo sa akin na sinusukuan ko agada, paano kung siya mismo ang sumuko at hindi ako, paano kung lahat ng paaran ay nagawa ko pa para makumbinsi ko na itigil na ang kaniyang kahibangan at mamuhay ng masaya, normal at payapa. Paano kung wala sa akin ang malaking pagkakamali na dumating sa buhay niya? Magkakaiba tayo, kaya sana wag mo akong husgahan, baka ikaw ay sumuko na rin minsan pero hindi mo lang natanggap.

Walang mahiwagan ticket, walang himala sa mundo, walang umuusad ng pauron. Kung meron mang ticket, sana nakabalik ako sa kahapon ko kung saan gumawa ako ng desisyon na maglalagay sa akin sa ganitong posisyon.

Kaya kung hindi mo pa nagagamit ang ticket mo para makapunta sa gusto mo talagang puntahan, mag-isip kang mabuti dahil one way ticket lang ang hawak mo, walang U-Turn, walang refund, tiis sa walang aircon at rough road, dahil sa tingin ko, mararating mo rin ang lugar na yun, wag ka lang masyadong mainip.

Ingat sa mahabang biyahe!

Saan ka dadalhin ng panlasa mo?

Posted by Leo Matienzo


Sa isang papaunlad pa lamang na bansa, halos lahat tayo ay nangangarap na umunlad, umaangat, makilala sa buong mundo sa positibong paraan. Nananawa ka na ba sa mga kabi-kabilang ulat sa pangu-nguna ng bansa listahan ng mga pinaka-corrupt? Karamihan sa atin ay posibleng "OO" ang sagot, at may ilan naman na "walang pakialam," pano, kasi... yung k'wan eh... yung ano... yung ganun... oo... yung bulsa lang naman nila ang tumataba, kaya silang deadma o patay malisya eh daretso sa mga kanilang IKINABUBUHAY na gawain.

Tutal malapit na ang halalan, dapat nga'y mga pulitiko ay manawagan. Marami sa mga tumatakbong presidentiables ay halos pare-pareho ang plataporma, mga pangako na minsa'y narinig mo na noon, ibinabalik ulit ngayon at kung sila'y mananalo mararamdaman mo ba kahit paambon-ambon? Halos lahat sila gustong tapusin ang kahirapan at mapahi ang imahe ng korapsyon sa ating bansa, pero gaano ba tayo kasigurado na matutupad ang mga pangakong ito?

Sa panahon ng halalan, nariyan ang campaign period, mga paraphernalia ng mga kandidato, mga artista. Hindi mo ba napansin na parang tinalo pa nila ang pamamahagi ng relief goods? Pinagkakaguluhan ng mga tao ang mga: Baller ID, T-Shirt, style pamaypay na karton (of course colored with picture), meron pang iba, payong, sumbrero atbp.

Siguro kung ako ang tatanungin, isa na sigurong maling konsepto ng ibobotong kandidato eh ang pagbase sa artistang pinaka-paburito mo. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga artistang nag-eendorso, wala akong sinasabing ganun. Ito'y opinyon lang, lahat naman tayo ay may kalayaan. Dapat ba tayong masilaw sa popularidad ng mga artista para matakpan ang madilim na imahe nga mga pulitikong ating pipiliin? ng walang pagsusuri sa napili? ng hindi pinag-isipan? Hindi ba't parang tinutukan mo na rin ng baril ang anak mo at ang mga magiging anak pa nito kapag nagkamali ng desisyon? Parang pinatay mo na rin ang sarili mo dahil nagpadala ka sa sinasabi ng iba...


Kapani-paniwala ba ang mga impormasyong ito? Gano tayo kasigurado? Ano ang mga methodology ng ginamit? Lahat ba ng sektor ng lipunan ay nirerepresenta dito?


Taumbayan ang maghuhukom sa mga pulitiko kung sila ang karapat-dapat na mamuno para sa kanila. Pero hindi maiiwasan na sa panahon ng pagpili, may mga nasisilaw sa kinang ng manasanas, maganda ang balat, buhay ang kulay pero ang hindi alam ng lahat, may uod na sa kaibuturan ng katawan.

Sa darating na halalan sana maging mapag-matiyag tayo. Basahin muna ang plataporma ng mamumuno, hindi magpadala sa mga kasama nitong bituin. Ikaw sa sarili mo ay binuo ng Diyos ng kumpleto, may kapangyarihan kang mag-isip at may kapanghiyarihang magdesisyon. Isasalang-alang mo pa ba ang kinabukasan mo sa iba? Parang sa isang commercial lang yan eh "Oh! Pili na!"

Ang iba, kinonsidera na ang halalan ay parang pagkain, kung hindi patok sa panlasa mo, pwede kang umorder ng iba, parang, "marasapa ba yun &*(&($... na may @#$()#($& at *(&@ ()*#$@)" ('wag na lang, baka may ma-offend).  

Pero kapag nanalo na ang putahe mo at hindi mo nagustuhan sa kalagitnaan o yung tipong naumay ka na sa lasa, tapos kang bata ka! No return, no exchange policy po ito, hindi namin tinatangkilik ang "the customer is always right", kasi po, bingiyan na namin kayo ng kalayaang pumili eh - COMELEC.



Nagtanung-tanong ako sa mga kakilala at kaibigan kung ano ang dapat pagbatayan sa isang kandidato at e2 ang nakuha ko sa kanila (paunawa: ito ay mga opinyon lamang):


Kredebilidad. Una sa aking listahan ng katangian ng isang mamumuno. Ganito rin ba ang presidente mo? (Chiz) Ang iba sa mga kandidato, siraan ng siraan, palabasan ng baho, gumagastos para lamang maglabas ng black propaganda. Ilang txt messages din ang natanggap ko laban sa isang kandidato. Hindi ko lang lubos maisip na hindi ba nila kayang lumaban ng patas? Kung sa bagay, sa U.S. presidente inaassasinate d2 sa Pilipinas, kahit barangay captain ka, itutumba ka.

Iba ang election related violence dito sa atin sa Pilipinas. Noon lamang nakaraan, kung natatandaan mo yung Maguindanao Massacre, halos 60 na katao ang patay, kandidato, supporter, mediamen at ultimo na walang kamalay-malay ay nadamay.

Maaaring isama ang track record, mga naipasang batas kung siya man ay nagsilbing congressman o senador at katatayuang moral. Sino ba naman na gusto ay maging dictador ang mamumuno sa kanya? Wala.


Plataporma. Alam kong sawang-sawa ka ng makita at marinig ang salitang ito, bakit? Dahil karamihan sa mga sinasabi nila ay hangin lamang, walang sustansya, hindi nangyayari at minsa'y napakaimposible pang paniwalaan. Pero ito ang kanilang basehan at ganun na rin tayo para malaman kung ano ba talaga ang kabuluhang matatamo kung sila ang ating iboboto.

Yung iba kasi sa atin eh, walang sapat na kaalaman kung ano ba talaga ang hangarin ng kandidatong napili. Basta bugso ng damdamin o napisil lang nila, 'yun na iyon at hindi na magbabago. Lumang pulitika, lumang sistema, crab mentality ng mga pinoy ang ganitong gawi.

Ano ba ang sistema ng gobyernong kabibilangan natin kung siya ang mananalo? Sino ba ang uunlad mga druglord pa rin ba o ang mga nagbubungkal ng lupa? Kung uunahin ba niya ang mga maliliit na tao o agad aasikasuhin ang mga ipinangako sa mga nag-pondo na kampanya?


Katapatan sa Diyos at sa Bayan. Isa rin dapat isaalang-alang eh kung ano at sino ang kinikilalang Diyos ng mga pulitikong ito, kung mga Dyosa ng kagandahan, droga, armas o pera. Hindi naman talaga tayo lubusang nakaksigurado na malinis ang mga pulitikong 'yan, hindi rin tayo nakasisiguro sa kanilang mga hanganrin kung pansarili o para sa bayan. Hindi natin alam na unti-unti na tayong inaalipin ng mga pambalat kayo nyang mga gawain.

Kung pipili ng kandidato, ang pagiging tapat ay pagiging transparent, malinis hanggang sa kaluluwa, malinis ang kunsensya. Ipinapakita niya ang lahat ng transaksyon sa publiko, humihingi ng payo sa publiko kung dapat o hindi dapat tangkilikin ang isang proyekto.


Pananaw sa pambansang kapayapaan. Lahat naman tayo nanga-ngarap na mabuhay sa isang bansang payapa at nagkakaisa. Sa tingin mo ba ang presidente napili mo ay may sapat nakakayahan para puksain at mapanatili ang kaguluhan sa bansa? May kakayanan ba siyang pasukuin ang mga guston magpabagsak sa gobyerno ng inang bayan? May kakayahan ba siyang makipag-ayos sa mga kababayan natin sa katimugang bahagi ng bansa? Matutugunan ba niya ang kakulangan sa mga kagamitan, benepisyo at iba pang pangangailangan ng militar gayun na rin ang kapulisan para mapanatili ang kaayusan at katahimikan? Alam kong kulang pa ang mga katanungan pero kung masasagutan 'yan ng pangulo mo, papanig ako sa'yo.


Pananaw sa Konstitusyon ng Pilipinas. Isa pang mabigat na usapin sa mga nakaraang taon ay ang konstitusyon. Ano ba ang pananaw ng presidente mo? Amyendahan ba ito? Baguhin ang sistema ang gobyerno? o illuklok ulit si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo?

Marami na ang nakakabatid sa atin na butas-butas na ang konstitusyon at kailangan ng repasuhin, ngunit ito lamang ba ang sosluyon at wala ng ibang alternatibo? Maaaring meron kung palalakasin ng isang pang batas ang isang existing ng batas.

Ano ba ang gustong isulong ng presidente mo kung sakaling bibigyan s'ya ng pagkakataon na magdesisyon para sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Mahina na ang pangil ng batas sa mga lumalabag dito, sa iba pa ay walang bisa kaya nalulusutan ang mga kaso. Ikaw na lang ang bahalang magbahagi ng iyong opinyon sa usaping ito dahil masyadong malawak.


Ang mentalidad ng Pilipino sa pag-pili ng kandidato sa tanong na: "Sino ang iboboto mo?"

1. Iboboto ko si Inggo dahil inindorso siya ni artista.
2. Iboboto ko si Juan, dahil nagbibigay siya ng tulong sa amin
3. Iboboto ko si Pedro, dahil kamag-anak ko/kumpare ko
4. Iboboto ko ulit Jose, kasi dati ng nanalo
5. Iboboto ko si Bahala Na

Pag-usapan natin ang mga ito. Sa unang item, iboboto mo lang ang isang kandidato dail sa popular ang nag-endorso sa kanya. Hindi ka ba nagtanong kung magkano ang ibinayad sa artista o anung kapalit sa artista kung mananalo ang manok n'ya sa karera? Isaalang-alang natin ang mga tanong sa likod ng mga palabas na ito. Tandaan natin na artista ang mga ito, ang artista ay magaling umarte, ang artista ay magaling magpalit ng mukha kapag kaharap na ang tao...

Sa pangalawang item, parang considerable na rin na vote buying pero in a subtle way. Kung sa bagay, sa bansang lubog sa utang at damang-dama ang kahirapan, hindi ka pa ba kakagat sa kakarampot na tulong mula sa mga pulitiko? Pero ang tanong ng mga nakararami, saan kukunin ang pambawi sa mga ginastos para sa kanyang kandidatura? Sa kaban ba ng bayan at habang nakapwesto'y tuloy ang sweldo pero walang natapos ni isang proyekto? Ang hirap amg-isplika, maraming espekulasyon, bahala na lang kayong mag-isip.

Sa pangatlong item, hindi naman sa nakikialam kung gaano kalaki ang angkan ninyo, ang sagot dapat diyan eh iboboto ko si Pedro dahil alam kong may magagawa siya sa bayan at sa tao. Hindi ba't mas magandang pakinggan? May ilan kasi sa ating mga Pilipino, lalu na sa local election, eh dinadaan sa palakihan ng angkan, proven fact na ito sa nag-daang mga taon, and dinala nilang pangarera, nung makarating sa finish line wala ring nagawa. Syempre, kamag-anak mo, utang na loob sistema na naman tayo, may magagawa ba ang kamag-anak mo? O ipinapahiya mo lang ang sarili mong angkan? Maging considerable tayo sa pag-pili, hindi lang naman sa mga kamag-anak mo ang may magagawa, look outside the circle.

Sa pang-apat na item, marami pa rin sa atin ang tumatangkilik sa ganitong proseso ng pag-pili. Yung mga datihan, sila na naman ang nakabalandra sa halalan. Ang tanong, nasubukan mo na, kung walang nagawa nung nakaupo pa, bakit siya ulit ang pipiliin mo? Hindi ba't mas magandang nanalo siya noon, nasubukan ko noon, maganda ang mga nagawa sa bayan, kaya kung siya ulit, iboboto ko s'ya. Kasi satisfied ka sa nagawa niya at hindi lang sa kanyang popularidad.

Sa panglimang item, eto, marami rin sa atin ang ganitong pumili, parang yung tipong up to the last minute saka pa lang magdedecide. I mean, hindi ba dapat na mas magandang may shor-list ka na para bago maghalalan eh hindi ka na hirap mag-isip kung sino sa short-list mo ang pipiliin mo.

Meron din naman iba sa atin na may sakit mag-isip, hindi ko sinabing sakit sa pag-iisip, may sakit mag-isip, ano yun? KATAMARAN. Yung iba tamad o ayaw ng mag-isip, yung tipong, bahala kayo sa buhay ninyo, 'wag n'yo na lang ako pakilaman, pare-pareho lang naman yang mga pulitikong yan eh.

Pero lahat ng ito isa lang ang babagsakan kung hindi isinaalang-alang ang kinabukasan, kapag hirap ay atin ng nararanasan, sa gobyerno lahat ang patak ng sisi para sa sinapit na kapalaran.

Lahat ng dinaranas na hirap, kawalan ng trabaho, mataas na presyo ng bilihin, pamasahe at mga pinaka-pangunahin na pangangailangan ng Pinoy, except sa load extended expiry (Gusto ko, Happy ka!)...

Tapos kapag hindi na kayang tiisin ang lahat ng hirap, conspiracy na, uusbong ang mga sabwatan, magsisimula na namang ang pambansang kaguluhan. Coup-de-etat, people power movement na naman, dyan kasi halos tayo nakilala, sa himagsikan at pag-aalsa.

SANA ngayong halalan, maging mapanuri tayo sa ating pipiliin na mamumuno sa atin bansa. Pag-isipang mabuti, iisang-tabi ang kanilang mga kasiraan at black propaganda na laban sa kanila, suriin ang kanilang mga plataporma at nagawa sa bansa, at 'wag magpadala sa endorso ng mga artista.

Tandaan mo na nasa kamay mo ang kinabukasan ng bansanag ito.

Maraming salamat nga pala sa kaibigan kong sina  navycaria, jawo, jun-jun atbp. na hindi nabanggit  para sa opinyon at dag-dag na impormasyon.


Mga salitang binitawan ko sa Facebook noon at ngayon...

Posted by Leo Matienzo


Sa tagal ng panahon ng pananahimik ko, ngayon ko lang naiisip na marami pa la akong kakaibang pinagsasasabi sa Facebook. pakibasa na lang ang mga sumusunod...

Sept 24, 2009

Kun iiwanan ko man ang kahapon ko, ngingiti na lang ako, at sasabihing may ngayon at bukas pa akong dapat atupagin. Hahatakin lang ako ng kahapon ko pababa......

Oct. 6, 2009

says may namimiss ako sa buhay ko, but somehow, by any means, I will step forward... http://plurk.com/p/269mxk

 Oct. 14, 2009 7:59 pm

demonyo lang ang nag babakasakali! hehehe! now playing: mas mahal na kita ngayon by Bitoy!

 Oct. 14, 2009 7:48 pm

says salamat sa mga nagmamahal ng tunay! dun sa mga peke, magbigti na kayo! (LOL) http://plurk.com/p/29ixvn

Oct. 26, 2009

If my yesterday has forgotten me, well, I've already forgotten what happened yesterday Now Playing: Love Drunk by Boys Like Girls

Oct. 4, 2009

You'll find happiness when you accept the almost unacceptable... I'm now A-OK! hehehe!


Nov. 5, 2009


Sagana ka lang sa ganda, pero ang sikip mo'y wala na, papansin man ako, pero ang sinasabi ko'y totooo... t-shirt concept.... hahaha!

Nov. 5, 2009

“how can u look forward when u keep looking back?” accoding to bob ong's note

Nov. 13, 2009

"What the writer writes reflects what's on his mind," if he wrote swerving thoughts ibig sabihin papunta s'ya ng Baguio City...

  Nov. 27, 2009

"Malaki ang pagkakaiba ng tulalang nangangarap sa tulalang walang pangarap" - habang nainom ako ng kape kausap ang aking asawa...

Dec. 1, 2009

Kung gusto mo ang halos lahat ng masarap sa mundo, hindi katwiran ang pag-aasam nito kung ang panuntunan mo sa buhay ay "Minsan lang ako mamamatay"

 Dec. 3, 2009

Hindi porket hindi ka nag-aaral ay wala ka ng matututunan... May malalaman ka na wala sa loob ng eskwelahan at may malalaman ka rin na wala sa kalsada..

Dec. 7, 2009

sa haba man ng panahon matututo ka rin makalimot... panaginip man yan o BANGUNGOT!

Dec. 8, 2009

Kung gusto mong malaman ang nararamdaman ng isang tao, tingnan mo s'ya sa mata... Pero hindi lahat ng sagot ay makukuha mo hanggat hindi ka pa rin nagtatanong..

 Jan. 27, 2009

Hindi sa lahat ng pagkakataon ang nais mong makita ay makukha mo - Si Brando habang nangongopya sa katabi sa oras ng exam

 

Eskenita

Posted by Leo Matienzo

Eskenita

Takot... Awa... Panghihina...

Mga emosyon na ayaw nating maranasan, ngunit minsa'y nararanasan na atin, ayaw lang nating aminin.

Takot... Takot kang tanggapin ang mga nangyayari sa'yo, o din naman kaya'y umiiwas ka sa tunay na nangyayari sa totoong mundo. Kalimitan, ang mga taong ganito ay may mga naging mapait na karanasan na sinapit sa kanilang mga kahapon. Inilalayo hangga't maaari ang sarili sa mga bagay na makapag-papaalala sa kanilang sinapit, inilalayo ang sarili sa mga grupo ng tao, sa mga tagpo, sa katotohanan. Isang maganda na sigurong halimbawa ang mga taong may pagkaka-utang, takot silang humarap sa ibang tao dahil pinagtsitsismisan sila, o di naman kaya'y ayaw lumabas ng bahay dahil nariyan ang mga maniningil ng utang.

Ibang scenario ay hindi sila makaalis sa mundong dati ay masaya sila, may kulay ang buhay, yung tipong hindi na matatapos ang lahat at sa isang kisap mata lang ay nawala ang lahat.

Takot din na maituturing kung tayo ay nagpapakabusy sa trabaho, gusto natin na lagi tayong may ginagawa, gusto natin na tayo ay abala sa mga bagay-bagay kahit pa hindi tayo kamalak-malak sa mga trabahong hindi na natin dapat pasukan. Pinipilit nating makalimot, yan isa sa mga maling konsepto, IPINIPILIT natin ang mga bagay-bagay, hindi ko rin naman sinasabi sa'yo na hayaan mo na lang ito, maaari rin, hayaan mo ito at lamunin ka ng buo. Mahirap lumugar, alam ko, naranasan ko na yan eh. Bakit hindi natin gawing habang ipinipilit mong makalimot eh hinahayaan mo ang sarili mo na gawin ang mga dapat gawin, mas magulo pa yata, teka... Ilagay na lang natin sa ganito, pilitin mo na lang ilagay ang sarili mo sa tama at hayaan mo ang sarili mo na gawin ang mga bagay na ito, di ba't mas magandang pakinggan.

Awa… Awa para sa sarili o pangsariling awa. Totoo, kapag tayo ay nasasaktan, pangsariling kapakanan lamang ang iniintindi natin, ngunit hindi alintana sa ating kokote kung ano naman ang nangyayari sa kabilang ibayo kung may gyera na ba, nag-iinuman na naman sina Igno o anung lagay ng kalabaw ni mang Tasyo. Wala tayong pakialam sa ating paligid, wala tayong ibang boses na pinakikinggan kundi ang ating mga sarili, wala tayo bukam-bibig kundi ang ating mga sinapit. Awa… Di ka nananawa?

Isang maling konsepto ng mga nasasaktang tao ay ang sobrang pagka-awa sa sarili sa baligtad na paraan. Hindi masama kung mahabag ka sa sariling sinapit, ngunit, paunawa ko lamang sa’yo, ang sobra ang masama at ang kulang ay masama rin. Kung masyado kang nahahabag sa sinapit mo at itinutuloy mo pa rin ang mga maling pamamaraan ang pag-alis sa mundong dating mong kinabilangan, hindi ka ba naaawa sa sarili mo dahil hindi mo na pinakawalan ang utak mo sa mga nangyari sa’yo? (anu daw?!) Hindi pa ba sapat na mag-dusa ka ng ilang linggo? Hindi pa ba sapat ang sobra-sobrang mental torture na inaabot mo dahil sa kaiisip mo sa nangyari sa’yo at wala ka rin naman pa lang patutunguhan? Hindi pa ba sapat ang isang kilong bigas na iniuuwi mo sa 10 miyembro ng pamilya mo? (Talaga bang kasama ito) Erase and rephrase… Hindi pa ba sapat ang isang batsang luha ang inilabas ng mga mata mo para lang sa kanya? Kailan mo ba titigilan ang paglaban ng paurong? Hanggang kalian mo itutuloy ang cruzada at nobena ng buhay mong umaalagwang parang saranggola?

Kung awa pa rin ang tawag mo dyan, hindi ka ba naaawa sa pang-ookray mo sa mga taong “BADUY” pumorma, dyata’t sila ay may kasabihang “Hindi mo kami maaaring tawaging baduy dahil hindi tayo pareho ng fashion statement at panlasa sa pananamit.” Sino pa ang lalabas na kaawa-awa, hindi ba’t ikaw na lahat na lang ng bagay ay pinansin ngunit ang sarili ay hindi na naistima.

Panghihina… Kahinaan, ang ikatlo sa listahan, ayaw natin tawagin tayong mahina. Parang hahalo ang balat sa tinalupan dahil insult ito para sa atin. Kung ating pagninilayang mabuti, walang masama kung tatanggapin natin ang ganitong estado ng ating pagkatao, ngunit ibang maghurumentado an gating mga EGO, oo EGO o pride ang tawag ng iba.

Ayaw nating matatapakan ang pinakamamahal nating EGO dahil namimistulang maliliit tayo. Iniisip natin ang sasabihin ng iba para sa ating kabuuan. Gusto mo na ikaw na lang ang sikat, ikaw na lang ang nakakaangat, ikaw na ang may mas higit na may alam, eg di ikaw na! Kaya nagkakaroon ng mga mayayabang sa mundo dahil ayaw nilang masasabihang mahina sila, pangalawa, ayaw nilang masasapawan sila, pangatlo ayaw nilang ipakita kung sino talaga sila. Ganyang silang mga EGOCENTRIC, nagtatago sa mga maskarang akala mo eh hindi mawawala ang kinang ng mga glitters sa taka. Kaya nga may kasabihang “Come out! Come out! Wherever you are!” Paano ka naman lalabas kung ang mga naghahanp sa’yo ay mga taong ginawan mo ng atraso… hmmm…

Alam kong mahirap tanggapin sa parte mo ang salitang MAHINA, pero kailangan mo munang aminin sa sarili mo na mahina ka para masabi mo rin na malakas ka, matatag ka at hindi ka pulpol. Hindi tayo uusad, madadala at matututo kung hindi natin mararanasan ang pagkalukmok sa putikan. Hindi ka magmamature mag-isip dahil hindi inaamin sa sarili mo kung ano ang kalagayan mo, hindi mo pakikinggan ang sinasabi ng iba dahil sa kayabangan mo na ikaw na lang ang bida, ikaw na lang ang sikat at ikaw na lang at ka-love team mo ang natitirang earthling sa buong universe. Maturity considered also as strength. Independence considered also as strength. Faith considered also as strength.

“Minsan kailangan natin ng lakas ng loob para masabi natin sa ating mga sarili na mahina tayo”- kay Bob Ong ko siguro nakuha ang quotation na ito, tama, totoo. Malas mo lang kung hindi mo pa nararanasan ang mga bagay na ito maliban na lang kung toddler ka pa rin at hindi pa gasinong fully functional ang cognition mo para sa mga mature na bagay-bagay sa mundong ibabaw. Malas mo rin kung ang cognitive process ng utak mo ay pang-toddler pa rin kahit na ikaw ay nasa adolescence period na. Ang malas mo nga.



Hating-Gabi

Posted by Leo Matienzo

Naranasan mo na ba yung tipong tagpo na inabot ka ng syam-syam sa pag-iisip na wala naman patutunguhan?

Inabot ka ng halos magdamag, pero, yun, walang nangyari, pero ok na rin dahil ito ang naging dahilan para antukin ka.

Nakahiga ka na at patuloy pa rin sa pag-iisip hanggang sa napunta ka sa dimensyon ng kahapon, nakita mo ang taong mahal mo (noon ha).


Kausap ka n'ya, nasa balikat mo ang kanyang mga kamay, nakikita mo ang kanyang mga ngiti, ang kanyang nakakasilaw na ngipin (may ganon ba dapat?) at malambot na labi, naalala mo na ang tagpong yun, magkasayaw kayo... at kitang kita ng mga mata mo ang tingin n'ya na nakakapanlambot, ang tingin na muntik mo ng hindi makalimutan, ang tingin na nakapagparupok sa'yo at tuluyan kang inimbita sa isang lugar na para bang nasa langit ka na (pero hindi ka pa patay ha). Nakalimot ka sa mga nangyayari sa paligid mo, parang tumigil ang oras, parang napahinto ang ikot ng mundo mo (pero hindi tipong hayok na hayok na sa droga ha, mga adik yun).

Ang kadiliman ng sayawan at biglang napalitan ng liwanag, napunta kayo sa isang lugar at sa natatandaan mo ay "KAYO" na pala ng mahal mo (noon). Masaya kayong magkasama, nagkakatext kayo, magkatawagan pa kayo 'pag gabi, at sa solong solo nyo ang planetang earth na parang kayo na lang ang natitirang earthlings sa kalawakan.

"Ang Cheesy n'yo!" nung bago pa lang ang relasyon n'yo, pero hindi nagtagal ang set-up n'yo, unti-unti kayong nalulusaw na kandila, at yung mga tipong "it's not working"...

Maraming naging hadlang sa relasyon n'yo, unang-una na yung patago pang relasyon, dahil naalala mo na nakatali ka na pala, may asawa ka na, pangalawa studies, pangatlo ang sasabihin ng ibang tao sa inyong dalawa (mga haliparot! hahaha!)...

Malamang ay naiyak ka dahil mahal mo yung tao, at hindi mo matanggap na mawawala s'ya sa piling mo, parang hindi mo makakaya na bukas wala na ang taong ito sa buhay mo at lahat na ng methaporic na maari mong ilarawan sa sitwasyon mo.

Bigla ka naman napunta sa dimensyong pinakaaayaw ng mga nakararami, ang "break-up".

HINDI mo matanggap, tumutulo na ang luha mo na parang gripo, hindi mo mapigilan ang boses ng pagluha, nagmamakaawa ka na huwag na n'yang ituloy pero itinuloy n'ya pa rin...

Nagdilim na naman ang paligid, napapunta ka sa ibang dimensyon, dimensyon ng ikaw ay nag-iisa...
Medyo awa ka sa sarili mo, nakikita mo ang sarili mong umiiyak, parating lango sa alak, hayok na hayok sa sigarilyo, in short, Adik este "Stucked", hindi makamove-on. Yung tipong gusto mo pa ring tumuloy sa relasyon n'yo pero wala na talaga na kulang na lang mag-makaawa kana bumalik s'ya sa piling mo...

Napunta ka naman sa ibang dimensyon, pero nakita mo pa rin ang sarili mo, lango pa rin sa alak, sa yosi, naiyak pa rin, hindi maaalis sa mukha mo ang pag-kaawa dahil ganun pala ang nangyari sa'yo. Pero ang hinihiling mo ngayon ay tantanan ka na ng mga ala-ala dahil pagod ka na sa kakaisip. Pilit mong tinatanggap pero ayaw pa rin, nasasabi mo lang na hindi mo na siya mahal pero ang katotohanan ay mahal mo pa rin...

Biglang nagliwanag ang paligid (alam kong sawa ka na sa dimensyon kaya iniba ko na lang), napalitan ang mukha mo ng... walang ekspresyon, yung tipong parang naglalakad ka lang. Nakita mo ang sarili mo, masaya na, natanggap na ang mga pangyayari, hindi mo na kinukutingting ang cellphone mo para mag-text o tumawag sa kahapon.

Natandaan mo isang beses nakipagkumpitensya ka sa kaluluwa mo at kunsensya mo kung tatawan ka to make contact with the girl, nanaig si kaluluwa, natalo si kunsensya... Tinawagan mo at nasambit mo ng pahapyaw na medyo ok ka na, syempre, parang nainsulto ang babae, todo hingi ka naman ng sorry. Umubra naman at tinanggap ang paliwanag mo... Sa kaduluhan ng pag-uusap, nasambit n'ya na may kapalit ka na sa puso n'ya at sinabi mo na lang na "So pano, hanggang dito na lang ako, I'm Now Signing OFF!", dahil karma ang tumama sa'yo, sinasabi na ng kunsensya mo na 'wag na pero itinuloy mo pa rin, ayan... may napala? meron... nasaktan ka! Ulol kasi eh! Sa huli ikaw pa ang nainsulto dahil madali ka palang palitan... hahaha! LOSER!

Bigla ka na lang nagising ng hating-gabi, akala mo nag-iisip ka lang pero nakatulog ka pala, hindi ka makapaniwala na ganon ang panaginip mo, na nakagawa ka ng pagkakamali na makakasira sa pamilya mo at buhay ng ibang tao... pero panaginip lang ang lahat at walang katotohanan. Todo ang iyong pasasalamat dahil panaginip lang pala lahat ng nangyari sa'yo...

Kumuha ka ng tubig na inilagay mo sa baso, dagliang ininom, huminga ng malalim, nagdasal na sana hindi mo na maranasang muli ang panaginip na ito, humiga ka at muling natulog.

Muli kang nanaginip at sa dulo ng panaginip mo may nakita kang board result ng bola ng lotteng, at ang numero ay :3/7,5/27,8/1...
Itaya mo, sabi ng matatanda swerte daw ang mga numero sa panaginip.

Gaano nga ba kasarap?

Posted by Leo Matienzo


Para sa mga mahilig mag-inom kagaya ko, Ito ang tama! Tama! at Talagang tatamaan ka kapag ito ang ininom mo, maliban na lamang kung napakalas mong mag-inom (siguro).

Ang sabi ng kakwentuhan kong barbero kahapon (10/29/09) eh ang alak daw ay parang babae rin. Alam kong minsan eh hindi kapanipaniwala ang mga barbero pagdating sa kwentuhan, syempre, barbero di ba? Nakakita ka na ba ng barberong tumayo sa husgado bilang saksi?


Pero ang barberong ito ay binigyan ako ng ideya, kung susuriing mabuti, para nga talagang babae ang alak, parehong tumatama, ang pagkakaiba lang ang alak sa atay, ang babae ay sa... TTTTTTHALAMUS... o hypothalamus na kumokontrol sa ating emosyon na nasa utak na akala ng iba ay puso ang gumagana, my physiological effect kasi ang ating emotion kaya akala natin ay puso ang gumagana.

Pero tama na yung mga pyscho-medical explanations. Minsan pinapili ako ng kunsensya ko (meron pala ako nun) habang nagkaka-inuman ng mga tropa kung ano ang pipiliin ko, beer ba o ang pag-ibig ng babaeng yun.

Tandang-tanda ko pa nung una kaming nagkita (parang mga entrada lang ng mga pelikula), nung nagkakilala kami at nung naging magkaibigan kami, sarap ng feeling (hanzel sandwhich), on Cloud 9 (bayaran kaya ako sa mga advertisements ng produkto nila), at talagang iba yung pakiramdam.

Naging close kami sa isa't-isa, may sarili kaming mundo kapag magkasama kami, tumitigil ang oras pero hindi sa relo, nililinaw ko lamang po.

Nagkaroon din kami ng pagkakataon na maging magkasama sa gabi, yun nga lang hindi kami nagpuyatan, tamang kwentuhan lang.

Masaya kami sa tagal ng pagsasama namin, hindi kami mapaghiwalay noon, pero ngayon, hiwalay kami.

Nagkaroon kami ng pagkakataon ng magkasama, medyo nabitin ako, kaya ayun, nagreklamo ako, wala ring napuntahan, nagkahiwalay din kami

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nabigyan kami ng pagkakataon.

Pero balik sa alak, gaya ng sabi ko, ang alak ang para rin ang babae. Parang bisyo, nakakaadik. Hindi ka mapuknat na para kang naka-epoxy (mahina daw kasi kapag mighty bond lang)

Hanggang sa ngayon hindi ko lubos maisip kung ano ang pipiliin ko noon, ngayon alam ko na, yung babae ang pipiliin ko, mahal pa nga ang alak samantalang ang babaeng nabanggit ko ay priceless, kasi s'ya ang misis ko, hehehe, it just so happen nasa school ako kaya ko nasabing hiwalay kami ngayon, nabitin akong kasama s'ya kaninang umaga, pano naman, puro PSP ang inaatupag ko, masarap palang maglaro ng Fight Night Round 3.

Hehehe...

Expect the unexpected...

image source: http://fc09.deviantart.com/fs19/f/2007/269/4/1/Red_Horse_Beer_by_Rolski.jpg